Manila, Philippines — NAGHAIN NG MOSYON ANG KAMPO NI DATING PANGULONG RODRIGO DUTERTE SA INTERNATIONAL CRIMINAL COURT UPANG I-APELA AT I-RECONSIDER ANG DESISYON NG PRE-TRIAL CHAMBER I NA NAGKUMPIRMA SA MGA KASONG CRIMES AGAINST HUMANITY LABAN SA DATING PANGULO.
Sa request for leave to appeal na isinumite ni Atty. Nicholas Kaufman, iginiit ng depensa na hindi malinaw ang pagkakasaad ng mga akusasyon at kulang sa detalye ang ebidensyang ginamit laban kay Duterte.
Muli rin nilang kinuwestiyon ang hurisdiksyon ng ICC sa Pilipinas matapos itong umatras sa Rome Statute, bagama’t nauna nang nagpasya ang korte na mayroon itong kapangyarihan na hawakan ang kaso.
Sa ilalim ng mga patakaran ng ICC, hindi maaaring mag-apela ang depensa o prosekusyon sa naging desisyon ng Pre-Trial Chamber kaugnay ng confirmation of charges.
Ayon naman sa tagapagsalita ng ICC, nasa mga hukom ang desisyon kung pagbibigyan ang naturang kahilingan.
Kapag pinayagan, saka pa lamang maaaring iharap ng depensa ang kanilang mga argumento sa Appeals Chamber.
Matatandaan naman na matapaos makumpirma ang mga kaso ni Duterte, bumuo na ang ICC ng panibagong Trial Chamber na na siyang hahawak sa paglilitis.
Nakatakdang malaman ang timeline ng paglilitis sa May 27 kung saan gaganapin ang kauna unahang status conference sa kaso ng dating Pangulo.