PALASYO, PINABULAANAN ANG PARATANG NI IMEE MARCOS NA NALULUGI ANG MGA MAGSASAKA NG REPOLYO DAHIL SA PAG-AANGKAT

Manila, Philippines — Wala umanong katotohanan ang paratang ni Senator Imee Marcos na labis labis ang pag-aangkat ng Department of Agriculture ng repolyo na nagiging dahilan ng pagkalugi ng mga magsasaka. 

‘yan ang naging posisyon ng palasyo nang kumpirmahin ng malacañang ang paratang ni senator Marcos. 

Ayon kay Palace Press Officer at Undersecretary Atty. Claire Castro, iginiit ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na hindi nag-aangkat ang DA ng repolyo sa ibang bansa. 

Noong  Lunes, Dismayado umano si Imee Marcos sa  patuloy na pagpasok ng inangkat na gulay na nagdudulot ng pagkalugi ng mga magsasaka, dahilan para itapon o ipagbili sa murang halaga ang mga repolyo. 

Iginiiit niya na sa kabila ng sapat na produksyon ng repolyo kada taon na umaabot sa 135 metric tons, sapat para supplyan ang bansa, hindi pa rin aniya humihinto ang DA sa pag-import. 

Ito ang itinuturong dahilan ng senadora kung bakit napipilitan ang mga magsasaka na ibenta sa halagang pitong piso ang kada sako ng  repolyo habang  mahal na ibinebenta sa mga pamilihan. 

Bukod pa rito, hinamon din ni Marcos ang Bureau of Plant industry na ipaliwanag ang patuloy na pag-iisyu ng import permits sa kabila ng sapat na supply. 

Noong May 2, libreng ipinamigay ng Tourist Police Unit ng Baguio City ang mga bagong ani na repolyo. 

Sa San Jose Del Monte Bulacan, ibinebenta na lamang ang isang kilo ng repolyo sa halagang 15 pesos. 

Ayon sa mga report, hinahayaan na lang din ng mga magsasaka sa benguet na mabulok ang kanilang ani kaysa ibenta sa paluging presyo,  dahil sa pasakit na dala ng mataas na presyo ng diesel para sa pagtatransport ng produkto. 

Hinikayat ng kapatid ng pangulo na bilhin ng gobyerno ang mga ani, at ayusin ang daloy nito sa merkado.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this