DOH NAKAALERTO SA POSIBLENG BANTA NG EBOLA VIRUS; BORDER CONTROL NG PILIPINAS, BINABANTAYAN 

Manila, Philippines — Matapos ideklara ng World Health Organization (WHO) na nakasailalim na sa Public Health Emergency of International concern (PHEIC) ang Ebola disease na mula sa Bundibugyo strain virus dahil sa outbreak nito sa Uganda at Democratic Republic of the Congo.

Inalerto na ng Department of Health (DOH) ng Pilipinas ang pagpapaigting sa border control ng bansa laban sa posibleng banta nito.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa na kasama sa pulong ng WHO Western Pacific Regional Office Countries na nag-uusap ngayon tungkol sa virus.

Wala raw dapat ipangamba ang publiko, lalo’t malayo ang Pilipinas sa mga bansang nakapagtatala ng virus.

Gayunpaman bilang paghahanda pa rin, inatasan na ng ahensya ang Bureau of Quarantine (BOQ) na higpitan ang pagpapatupad ng mga health protocols.

Itinaas na rin sa heightened alert ng Epidemiology Bureau ang Surveillance sa mga banyaga at indibidwal na papasok sa bansa at manggagaling Uganda o Democratic Republic of the Congo.

Batay sa Center for Disease Control and Prevention (CDC), nasa 80%-90% ang mortality rate ng Ebola, na karaniwang naitatala sa sub-Saharan Africa at iba pang bansa sa Africa.

50% naman ang mortality rate nito sa Bundibugyo strain.

Kabilang sa mga pangunahing sintomas ng virus ay pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng katawan at matinding pagkapagod.

Lumalala ang sakit kapag ang sintomas na ay humantong sa pagtatae, pagsusuka at hindi maipaliwanag na bleeding.

Dalawa hanggang 21 araw pa bago maramdaman ang sintomas ng isang taong may Ebola.

Kumakalat naman ang nasabing virus sa pamamagitan ng pagkaka-expose sa body fluids ng apektadong indibidwal o namatay na tao okaya naman nakuha mula sa infected hayop gaya ng paniki at non-human primate.

Samantala, 2012 pa nang huling maitala ang pinakahuling outbreak ng Ebola mula pa rin sa Bundibugyo strain.

Una nang sinabi ng WHO na ang ebola outbreak ay hindi nangangahulugang may panibagong pandemya.

Share this