Manila, Philippines — Sumiklab ang apoy malapit sa opisina ni Manila City Vice Mayor Chi Atienza sa ikalawang palapag ng Manila City Hall ngayong Miyerkules, September 2.
Ayon sa Bureau of Fire Protection National Capital Region Manila City, 5:45 ng umaga nang magsimula ang sunog.
Kinailangan ng mga bumbero na gamitan ng malalaking exhaust fan at oxygen tanks upang lumabas ang makakapal na usok na bumalot sa 2nd floor.
Naapula naman agad ang apoy bandang 6:21 ng umaga.
Ayon kay Manila City Vice Mayor Atienza, sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, ang pinagmulan ng sunog ay posibleng nanggaling sa nakasaksak na refrigerator sa pantry ng kanyang opisina.
Samantala, wala namang napaulat na nasaktan sa insidente.
Kinansela na din ang pagbibigay ng medical assistance doon na ginaganap din ngayong araw.– Gab Ramos, Contributor