SSS INILUNSAD ANG E-WHEELS PALENGKE CARAVAN UPANG ILAPIT ANG MAS MABILIS NA SERBISYO SA MGA MANGGAGAWANG PILIPINO 

Manila, Philippines — Nakatakdang umikot sa mga palengke at barangay sa buong Metro Manila at ilang probinsya sa bansa ang e-Wheels/Palengke Caravan ng Social Security System (SSS).

Ito ay matapos opisyal na ilunsad ng ahensya ang nasabing programa na naglalayong ilapit sa bawat komunidad ang iba’t ibang iniaalok na serbisyo ng ahensya.

Target ng SSS na matulungan ng Palengke caravan ang mga market vendors at ambulant sellers na kadalasang wala nang oras makapunta sa branch offices ng ahensya para makapagparehistro.

Layon ng e-wheels na bawasan ang gagastusin ng mga ito sa pamasahe, matagal nilang paglalaan ng oras at mahabang pagpila.

Kabilang sa serbisyong mas ilalapit ng SSS Caravan ang employer registration, pagpapa verify ng record, update ng impormasyon, pagkuha ng SSS number, paggawa ng online accounts, pag reset ng password, pagkuha ng payment references number, pag-apply ng pension loan at pag file ng mga benepisyo.

Noong March 25 nagsimula na ang pag-ikot ng SSS E-Wheels sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila na tintayang may 43 NCR locations na inaasahang makakapgbigay ng serbisyo sa mahigit 21,500 na indibidwal sa pagtatapos nito. 

Sa may 27 naman ilulunsad na rin ang programa sa Calapan, Oriental Mindoro; Legazpi, Albay; Silay City, Negros Occidental; at Siargao Island, Surigao del Norte

Sa May 28 naman naka-iskedyul itong umarangkada sa  Virac, Catanduanes.

Samantala, inaasahan namang isasama rin sa serbisyo ng caravan ang pinakabagong facial authentication feature ng SSS para sa beripikasyon Annual Confirmation of Pensioners (ACOP).

Share this