‘ALAM KONG AARESTUHIN NILA AKO’: MARCOLETA, NANINIWALANG GINIGIPIT SIYA NG GOBYERNO HABANG PAPALAPIT ANG IMPEACHMENT TRIAL 

Manila, Philippines – Naniniwala si Senator Rodante Marcoleta na ginigipit siya ng gobyerno sa pamamagitan ng pagsasampa ng kasong plunder at pag-aresto para hindi siya makasama sa impeachment trial laban kay Vice Preside Sara Duterte.

Ayon sa kanya ang pag-aresto laban sa kanya ay pagkilos para hindi malabas ang katotohanan sa malawakang pagnanakaw sa loob ng pamahalaan. 

Batid aniya ng senador na siya ay aarestuhin, ngunit hindi raw ito dahilan para tumigil siya ng paglilingkod sa mga taong nagtitiwala sa kanya. 

Sa naturang pahayag, inakusahan pa ni Marcoleta si Ombudsman Jesus Crispin Remulla at Senator Ping Lacson na kalkulado ng dalawa kung sino sino pang mga senador ang aarestugin. 

SURPRISE RALLY NG MGA INC SA EDSA MONUMENT, INILUNSAD BILANG SUPORTA KAY MARCOLETA

Samantala, nagsagawa ng malawakan at biglaang pagkilos ang religious group na Iglesia ni Cristo sa Edsa People power Monument– na ikinabigla hindi lamang ng mga otoridad kundi maging ng commuters.

Kinumpirma mismo ng Iglesia ni Cristo na pagsuporta sa isinusulong ng Senador ang dahilan ng kanilang biglaang kilos protesta. 

Pahayag ni INC spokesperson Edwil Zabala, katulad ni Marcoleta, panawagan din nila ang pagkakaroon ng transparency, accountability, justice at peace. 

Mariin din tinututulan ng INC ang umano’y pagbaluktot sa batas para umano pagtakpan ang korapsyon na may kaugnayan sa flood control project corruption. 

Aniya Zabala, kahit pa dakpin ng otoridad si Marcoleta dahil sa kasong plunder, hindi raw titigil ang Iglesia ni Cristo sa paghingi nila ng hustisya. 

Noong Lunes, inanunsyo ni Ombudsman Remulla na nakahanda na ang Office of the Ombudsman na kasuhan ng  non-bailable case na plunder si Marcoleta sa Sandiganbayan dahil sa pagtanggap nito ng 75 million pesos na campaign donation.–Krizza Lopez, Eurotv News

Share this