PHILIPPINES — Matagumpay na nakapag-export ang Pilipinas ng 100 kilo ng Guimaras mangoes sa Europe na nagkakahalaga ng USD 500.
Ayon sa Bureau of Plant and Industry (BPI), iba pang kinauukulang ahensya at katuwang na mga organisasyon, 50 kilo ang mapupunta sa WIPO Geneva Switzerland habang tig-10 kilo naman sa iba pang bahagi ng Europa gaya sa Oslo Norway at Stockholm Sweden.
Binigyang-diin ng BPI na ang Guimaras mango na in-export sa ibang bansa ay dumaan sa Geographically Indicated (GI) certification na nagpapatunay sa dekalidad na produkto.
Samantala, kinilala naman ng BPI ang malaking oportunidad na sa lokal na industriya ng bansa at sa buong sektor ng agrikultura para sa pagpapalakas ng kalakalan at ekonomiya. — Krisa Remigio, Contributor