PBBM 5TH SONA UPDATES (JULY 27, 2026)

– Bandang 3:37 ng hapon, lumapag ang helicopter ni PBBM

– Sinalubong si PBBM nina House Speaker Bojie Dy III, Senate President Sherwin Gatchalian, at AFP General Antonio Nafarrete

– Sinundan ito ng iba pang mga senador at mga ibang opisyal

– Bago pumasok sa holding room ay sinalubong din si PBBM nina, Audrey Zubiri at iba pang babaeng miyembro ng congreso.

– Makikita na punong-puno na ang Session Hall, sa ganap na 3:58 ng hapon, andoon ang mga opisyal ng Hudikatura, Chief Justice Alexander Gesmundo, mga gobernador at mga iba pang lokal na pamahalaan.

– Sinimulan ni PBBM ang kanyang ika-5 SONA sa pagkilala sa mga pangunahing hamon na kinakaharapan ng bansa, kabilang dito ang mataas na presyo ng mga bilihin at epekto nito sa kalamidad.

– Binigyang-diin ni PBBM na ang pamahalaan ay may pananagutan na maghatid ng tapat, episyente, at konkretong serbisyo sa bawat Pilipino.

– PBBM: “Isang taon na simula noong ako’y huling tumayo rito, upang ilantad ang mga katiwalian na nadiskubre namin sa mga Flood Control Project.” Ipinangako ni PBBM na ang administrasyon niya ay nagsagawa ng malalim at masusing imbestigasyon ukol sa Flood Control Project.

– Ang naganap na digmaan ay nakaapekto sa iilang Pilipinong OFW. Ulat ni PBBM na lagpas sa dalawa’t kalahating milyong mga Pilipino ang naghahanapbuhay sa Middle East. Sa nangyaring gyera, “mahigit dalawang libong kababayan natin ang naiuwi nating ligtas; mahigit isang daan at apat na pung libong OFW ang nabigyan ng tulong, kasama rito ang

– Oil Price Hike: Sinusuportahan ito ng programang AICS, at para naman sa mga komyuter ay nagkaroon ng programang libreng sakay.

– Pag bibigay ng 50% discount sa mga komyuter na gumagamit ng MRT at LRT sa Metro Manila

– Ulat ni PBBM “nag laan tayo ng mahigit 60 Million hanggang katapusan ng taon” para sa kaayusan na epekto ng krisis.

Share this