• Bandang 3:37 p.m., lumapag ang helicopter ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Batasang Pambansa.
• Pagsapit ng 3:58 p.m., puno na ang Session Hall ng mga miyembro ng Kongreso, Hudikatura, mga gobernador, at iba pang lokal na opisyal.
• Nagsimula ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo bandang 4:05 p.m. at nagtapos dakong 5:31 p.m., na tumagal ng 1 oras at 26 minuto.
Pamamahala at Pananagutan
• Binuksan ng Pangulo ang kanyang talumpati sa pagkilala sa mataas na presyo ng mga bilihin, epekto ng mga kalamidad, at iba pang pangunahing hamon na kinakaharap ng bansa.
• Binigyang-diin na tungkulin ng pamahalaan ang maghatid ng tapat, episyente, at konkretong serbisyo sa bawat Pilipino.
• Inanunsyo na haharap sa kasong kriminal ang sangkot sa umano’y anomalya sa flood control projects, partikular ang kanyang pinsang si ex-House Speaker Martin Romualdez.
• Sinabi ring nagsimula na ang mga reporma sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kasunod ng mga natuklasang iregularidad sa mga flood control projects.
Ekonomiya, Trabaho at Buwis
• Iniulat ang mga hakbang ng pamahalaan upang palakasin ang ekonomiya at lumikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho.
• Nagdaos ang pamahalaan ng malawakang job fairs na nag-alok ng mahigit 100,000 trabaho, kung saan humigit-kumulang 6,000 aplikante ang agad na natanggap.
• Inihayag ang mga panukalang:
• pagpapalawak ng income tax relief para sa middle class;
• tax relief para sa mga manggagawang kumikita ng hanggang ₱350,000 kada taon;
• tax amnesty para sa maliliit na negosyo; at
• pag-aalis ng minimum income tax para sa small business owners.
Agrikultura at Food Security
• Muling iginiit na prayoridad ng administrasyon ang sektor ng agrikultura.
• Patuloy ang suporta sa mga magsasaka at mangingisda upang mapataas ang lokal na produksyon ng pagkain.
• Pinalawak ang distribusyon ng murang bigas at operasyon ng KADIWA stores upang makinabang ang tinatayang 2 milyong pamilya.
Enerhiya at Oil Price Hike
• Bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng langis, ipinatupad ang:
• cash assistance sa ilalim ng AICS;
• libreng sakay para sa mga commuter;
• 50% diskuwento sa MRT at LRT sa Metro Manila;
• Service Contracting Program para sa mga pampublikong bus at jeep.
• Nakipag-ugnayan ang Pilipinas sa iba’t ibang bansa kabilang ang Japan, Oman, Russia, at China upang matiyak ang sapat na suplay ng langis.
• Inanunsyo ang 14 petroleum service contracts sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
• Isusulong ang “Sariling Kuryente Act” upang gawing mas abot-kaya ang paglalagay ng solar panels.
• Isinusulong din ang Electric Power Industry Act upang alisin ang system loss charges na ipinapasa sa mga konsyumer.
• Patuloy ring pag-aaralan ang paggamit ng nuclear energy at hydrogen bilang alternatibong pinagkukunan ng enerhiya.
Pabahay
• Iniulat na mahigit 500,000 housing units na ang naitayo o napondohan sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.
• Mahigit 100,000 karagdagang bahay ang naidagdag sa loob lamang ng isang taon.
• Itinaas sa ₱10 milyon ang loan limit para sa housing.
OFWs at Middle East Crisis
• Iniulat na mahigit 2.5 milyong Pilipino ang nagtatrabaho sa Middle East.
• Dahil sa kaguluhan sa rehiyon:
• mahigit 12,000 OFWs ang ligtas na naiuwi sa Pilipinas;
• mahigit 140,000 OFWs ang nabigyan ng iba’t ibang uri ng tulong.
• Itinaas din ang minimum wage ng mga overseas Filipino domestic workers.
• Hinikayat ang mga bangko na babaan o alisin ang online transaction fees.
Edukasyon
• Palalakasin pa ang Senior High School work immersion upang mas maihanda ang mga estudyante sa trabaho.
• Patuloy ang libreng matrikula sa state at local universities and colleges.
• Maglalaan ang Office of the President ng scholarship para sa limang estudyante sa bawat barangay, na may halagang ₱100,000 bawat benepisyaryo.
• Magdaragdag ng 10,000 school counselor associates upang mapalakas ang kampanya laban sa bullying at mapabuti ang mental health support sa mga paaralan.
Artificial Intelligence (AI)
• Isusulong ang mas malawak na paggamit ng AI sa mga kritikal na sektor.
• Naglunsad ang pamahalaan ng malawakang AI training programs na umabot na sa 1.8 milyong estudyante, guro, at magulang.
Kalusugan
• Sa ilalim ng YAKAP Program, 4.5 milyong Pilipino na ang napagsilbihan mula sa mahigit 25 milyong rehistrado, kabilang ang blood tests at gamot para sa sakit sa bato, atay, thyroid, at hepatitis B.
• Sa PhilHealth:
• itataas sa 150 therapy sessions ang saklaw ng ilang benepisyo;
• dodoblehin ang ilang benefit packages;
• palalawakin ang coverage ng mga sakit at serbisyo;
• itataas ang benefit limits upang makasabay sa pagtaas ng presyo.
• Inihayag din ang planong pagtatayo ng isang Virology and Vaccine Institute sa bansa.
• Binigyang-diin na dalawang requirement na lamang ang kailangan sa PhilHealth claims at hindi na kailangan ng guarantee letter (GL).
SSS
• Inanunsyo ang 10% dagdag-pensyon para sa mga kwalipikadong SSS pensioner, na nagsimula noong Hunyo.
Digitalization
• Iniulat ang pagpapabilis ng internet, pagpapalawak ng online government services, at pagdami ng work-from-home opportunities.
• Ipinatupad din ang mas mabilis na refund system para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Foreign Policy at Kalakalan
• Iniulat na mayroon nang 23 free trade agreements ang Pilipinas bilang bahagi ng pagpapalawak ng international trade network.
• Binanggit din ang ASEAN agreement sa joint stockpiling ng petroleum reserves para sa regional energy security.
Space Industry
• Ipinakilala ang Pax Silica sa New Clark City.
• Inanunsyo ang pagtatayo ng kauna-unahang spaceport project ng bansa sa Cagayan, katuwang ang isang South Korean aerospace company.