Manila, Philippines — Pormal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang amendments ng mas pinalawak na Universal Access to Quality Tertiary Act (UAQTEA) o ang Republic Act 12325 na ginanap sa Malacanang.
Sa ilalim ng inamyendahang batas, mas maraming mag-aaral sa lahat mga state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs), at state-run technical-vocational institutions (TVIs) ang makakatanggap ng free tertiary education, financial assistance at iba pang suportang kinakailangan para sa kanilang pag-aaral.
Mabibigyan din ng prayoridad ang mga pinakamahihirap na kabataang Pilipino nanaising makakuha ng Bachelor’s Degree kabilang na ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), kung saan kasama sila sa Tertiary Education Subsidy (TES) pati ang kanilang internship at iba pang kinakailangang learning experiences.
Ayon sa Pangulo alinsunod ito sa layunin ng kaniyang administratsyon na mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang kahit isang miyembro ng bawat pamilyang Pilipino, makatapos sa kolehiyo nang hindi pinoproblema ang malaking gastusin at makakuha ng oportunidad na trabaho tungo sa magandang kinabukasan.
Mula rin daw sa 2 milyon na na benipisyaryo ng free higher education umakyat na ito sa 2.6 Million students sa unang semester pa lang ng academic year ngayong taon.
Bilang itinuturing rin daw na pag-asa ng bayan ang mga kabataan para sa susunod na henerasyon, dapat lang din daw na suportahan ang mga ito sa pag-aaral na pinakamahalagang pamanang maibibigay sakanila.
Sa ilalim din ng batas, magkakaroon na rin ng Private Education Assistance (PEA) o governement grant o financial assistance para sa mahihirap na estudyante pero deserving students na gustong mag-aral sa private school.
Mandato rin ng batas ang pagsiyasat sa halaga ng TES kada dalawang taon kung sapat pa ba ito sa gastusin ng isang estudyante sa para sakaniyang pag-aaral.
Samantala, inihahanda na ng Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education Act (UnIFAST) at iba pang kinauukulang ahensya ang Implementing Rules and Regulation (IRR) para sa pagpapatupad ng inamyendahang batas.