DEPED, INIREKOMENDA SA PANGULO ANG BAGONG HAKBANG NG PAGKAKANSELA NG KLASE

Manila, Philippines — Hindi bababa sa 20 hanggang 40 araw ang nawala nang pagkatuto sa mga estudyante sa loob ng paaralan.

Bunsod yan ng kabi-kabilang class suspension dahil sa masamang panahon na dala ng habagat, mga bagyo at kalamidad.

Ang bilang ng mga araw na ito naitala mula lang July 8 hangang August 31 ng kasalukuyang taon sa iba’t iban eskwelahan sa bansa.

Dahil dito maglalatag ng mga hakbang ang Department of Education (DepEd) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tugunan ang suliranin sa desisyong kanselasyon at panunumbalik ng mga klase tuwing may ulan, baha, lindol, storm surge, masamang kalidad ng hangin, volcanic smog, bata sa bulkan, heat indez at iba pang dahilan na maaaring mapanganib.

Kabilang sa bagong polisiyang ilalatag ang three-tier decision-making mechanism.

Una dito ang automatic class suspensions batay sa mga National technical threshold, localized class suspensions na dapat idedeklara ng mga local chief executive.

Ikalawa ang Granular class suspensions at ikatlo ang resumptions na nagbibigay-kapangyarihan sa mga school head na magdesisyon batay sa sitwasyon sa kanilang lugar sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.

Bibigyan din ng karapatan ang mga paaralan na magsuspinde ng in-person classes alinsunod sa validated site specific assessment na sinang-ayunan ng School Division Superintendent (SDS).

Kung umiiral din ang suspensyon ng klase sa buong lungsod o munisipalidad, hahayaan din ang mga school na magdesisyong ibalik na na ang klase bastat pumayag ang LGU.

Tiniyak naman ng DepEd na dapat ipatupad sa lahat ng mga paralan ang learning continuity gamit ang alternative learning delivery modalities, flexible learning options, self-learning resources, at temporary learning spaces upang matiyak na tuloy-tuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa gitna ng anumang krisis.

Samantala, ang laman ng irerekomendang hakbang ay sama samang sinang-ayunan ng mga guro, magulang, school heads at estudyante sa pamamagitan ng konsultasyon.

Share this