QC RTC, PINAAARESTO SI VP DUTERTE DAHIL SA KASONG GRAVE THREAT

Manila, Philippines – Inisyuhan ng Quezon City Regional Trial Court si  Vice President Sara Duterte ng arrest warrant dahil sa kaso nitong Grave Threat sa National Bureau of Investigation.

Kinumpirma ito ng abogado ni Duterte na si Atty. Paul Lawrence Lim.

Ayon kay Lim, walang balak ang bise presidente na iwasan ang batas sa kabila ng isyu sa hurisdiksyon. 

Nakahanda rin aniya si Duterte na ipaglaban ang kanyang karapatan sa legal na proseso.   

Matatandaan na noong Agosto, kinasuhan ng Department of Justice ng 3 counts of grave threat si Duterte dahil sa banta nito na may kinontrata na siyang gunman para ipapatay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez. 

Ito ay kung sakaling magtagumpay ang bantang pagpapatay kay Duterte. 

Batay sa Article 282 ng Revised Penal Code, maaaring makapagpyansa ang mga nasasakdal sa kasong grave threat. 

Sa kaso ng bise Presidente, inirerekomenda ng prosekusyon na magpyansa siya ng 120,000 per count.

Nauna nang Depensa ni Duterte na taken out of context ang kanyang naging pahayag.  

Ang Bise Presidente ay nahaharap din sa Impeachment case sa senado kung saan ang grave threat ang isa mga grounds para tuluyang patalsikin sa posisyon.–Krizza Lopez, Eurotv News

Share this