Tatlo ang kumpirmadong patay habang 15 naman ang sugatan matapos sumiklab ang isang pamamaril sa Barangay Bagua Dos, Cotabato City nitong Lunes ng umaga, ilang oras bago ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, nagsimula ang kaguluhan sa isang mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga tagasuporta ng magkakalabang partido sa labas mismo ng voting precinct.
Ang dating tagisan ng mga pananalita at pagtatalo ay humantong sa isang nakakabiglang pamamaril.
Hindi lamang ito ang naitalang insidente ng karahasan sa area. Bago pa man ang naturang pamamaril, isang lalaki rin ang nasugatan matapos sumabog ang isang improvised explosive device o (IED) sa mb kalanganan sa parehong lungsod.
Dahil sa magkakasunod na kaguluhan at insidente ng karahasan, opisyal nang inilagay ng commission on elections (COMELEC)ang buong cotabato city sa ilalim ng comelec control.
Sa ilalim ng kaayusang ito, ang lahat ng lokal na desisyon at pamamahala sa seguridad ng lungsod ay kailangan nang dumaan at aprubahan ng itinalagang comelec administrator upang matiyak ang kapayapaan.
Kaugnay nito, mariing kinundena ni presidential peace adviser Sec. Mel Senen Sarmiento. ayon sa opisyal, mariing pinalagan ng kanilang tanggapan ang nangyaring karahasan sa lungsod habang ipinaabot din ang kanilang taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima.
Iginiit din nito na walang lugar ang anumang uri ng karahasan sa makasaysayang kaganapang ito, kaya’t nanawagan ang opisyal sa mga awtoridad para sa mabilis na imbestigasyon at pagpapanagot sa mga may sala.
Binigyang-diin pa ng presidential peace adviser na bagamat nakalulungkot ang pangyayari, hindi nito mapipigilan ang mamamayang bangsamoro sa paggamit ng kanilang demokratikong karapatang bumoto.
Nananatili rin umanong matatag ang OPAPRU sa pagsuporta sa COMELEC, sa mga pwersa ng seguridad, at sa mga peace partner upang matiyak na ang kapayapaan habang ginaganap ang 2026 BARMM Election.
Gayunpaman, ngayong araw, september 14, 2026, sa gitna ng takot at tensyon, nanatiling matatag ang dedikasyon ng mga mamamayan cotabanteño sa kanilang karapatang bumoto.
Marami pa ring mga botante ang matapang na pumila at dumagsa sa Datu Usman Mampen Elementary School sa Brgy. Bagua Dos, Cotabato City upang makibahagi sa makasaysayang BARMM Elections.
Ito ay sa kabila ng naganap na pamamaril kagabi at kaninang umaga na nag-iwan ng tatlong patay at labinlimang sugatan sa nasabing lugar.
Sa kasalukuyan, nakaalerto at higpit na binabantayan ng mga awtoridad—kasama ang mga pulis at sundalo—ang paligid ng mga voting center upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga residenteng patuloy na dumarating para makaboto.—Rhea Trucio, Contributor