MALUSO, BASILAN, ISINAILALIM SA COMELEC CONTROL DAHIL SA PRE-SHADED NA MGA BALOTA

Basilan, Philippines — Nahuli ng Commission on Elections ang mga pre-shaded na balota sa bayan ng Maluso, Basilan sa gitna ng ginaganap na kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM parliamentary elections nitong Lunes, September 14.

Natuklasan ng Comelec na 36 sa 68 presinto ang nakumprimiso matapos itong madiskubreng pre-shaded ang lahat ng balota para sa naturang mga presinto.

Ayon kay Comelec Chairman Atty. George Erwin Garcia, nagpasya ang komisyon na ideklara ang comelec control sa nasabing lugar upang matiyak ang ang integridad ng halalan.

Dagdag pa ni Comelec Chairman Garcia na kilala na daw nila kung sino ang nagpreshade ng mga balota.

Sa kabila nito, itinalaga ni Commision on Elections Atty. George Garcia ang isang opisyal ng COMELEC na miyembro ng special action team na nasa Basilan bilang administrator.

Agad naman pinag-utos ni Comelec Chairman Garcia ang muling pag-imprenta ng mga balota para sa mga naapektuhang presinto habang ipinapatupad ang mga imbestigasyon sa mga responsable sa mga naturang anomalya.

Sinigurado naman ni Comelec Chairman Garcia, na walang napalitan sa mga naka-sealed na balota.—Gab Ramos, Contributor

Share this