ELEVATED WALKWAY SA QC NA MAGDUDUGTONG SA CIRCLE, NINOY AQUINO PARKS AT WILDLFE, ININSPEKSYON

Quezon City, Philippines – Ininspekyon ng Quezon City LGU ang kanilang ipinapatayong elevated promenade walkway sakanilang lungsod na magkokonekta sa Quezon Memorial Circle, Ninoy Aquino Parks at Wildlife Center.

Pinangunahan ang naturang pag-iinspeksyon ni Mayor Joy Belmonte kasama ang kanyang mga opisyal.

Ang naturang proyekto, naglalayong mas mapadali ang pagpapalipat lipat ng mga namamasyal sa tatlong park ng lungsod.

Habang tinitiyak din ang kanilang kaligtasan habang binabagtas ang daan.

Sa ilang litrato na una ng ipinakita ng QC LGU na magiging resulta ng naturang walkways, green open space at halaman na may malawak na espasyo na lalagyan din ng mga bench na maaaring upuan ng mga dadaan ang gagawing disenyo dito.

Sa ngayon wala pang anunsyo ang QC kung kailan ang opisyal na pagbubukas ng naturang proyekto.

Samantala, tiniyak naman ng pamahalaang lungsod na nakikipag-ugnayan sila sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa elevated promenade walkway.

Matatandaang Abril pa noong nakaraang taon nasimulan ang naturang proyekto.

Share this