KOREANONG PUGANTE NA NAKATAKAS, NAHULI NA MULI

Manila, Philippines — Limang araw makalipas ang kanyang naging pagtakas, muli nang napasakamay ng mga awtoridad ang puganteng Korean national na si Na Ikhyeon. 

Sa isang press conference nitong Linggo, iniharap sa media ng Bureau of Immigration, sa pangunguna ni Commissioner Joel Anthony Viado, si Na na naaresto ng mga awtoridad sa kaparehong araw. 

Si Na, 28 taong gulang, ay wanted sa South Korea para sa kasong fraud at naaresto sa Pilipinas noong Mayo 2023. 

Mula noon ay nasa kustodiya sya ng BI bago ang deportation, na naantala dahil sa kinakaharap na kasong estafa rito sa Pilipinas. 

Sa hearing ng kaso noong ika-4 ng Marso, nakatakas si Na matapos na gumamit ng banyo sa mismong korte. 

Limang araw mula nang ikasa ang manhunt operation laban sa kanya, muli na syang naaresto ng BI, kasama ang isa pang korean national na itinuturong kasabwat ni Na sa kanyang naging pagtakas. 

He was found hiding in a residential area in Brgy. Pampang, Angeles City, Pampanga. Also arrested was his cohort, Kang Changbeom. Investigations revealed that Kang aided Na’s escape, as supported by CCTV footage and other intelligence information gathered by authorities,” saad ng BI sa isang pahayag.

Matapos ang beripikasyon sa Korean National Police Agency, lumalabas na si Kang ay pugante rin sa South Korea para sa parehong kaso na fraud. 

Ayon kay Viado, dadalhin ang dalawa sa detention facility ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig, kung saan mas mahigpit na seguridad ang ipatutupad para sa dalawa na ngayo’y itinuturing na bilang high-risk detainees. 

Bukod sa impormasyon sa dalawang Koreanong pugante, nagbigay na rin ng detalye ang BI sa mga empleyado ng ahensya na may kinalaman sa naging pagtakas ni Na noong nakaraang linggo. 

Ayon sa CCTV footage mula sa korte kung saan tumakas si Na, tatlong kawani ng BI ang lumalabas na kasabwat para sa kanyang pagtakas. 

Additionally, the BI provides an update on the three employees found to have facilitated Na’s escape, as evidenced by CCTV footage. Two contractual employees were immediately terminated following the incident, while the case of the permanent employee was escalated to the Department of Justice (DOJ). On Friday, DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla issued the termination of the third employee involved in the escape,” dagdag ng BI.

Share this