Quezon City, Philippines – Sinimulan ng Quezon City Local Government Unit (LGU) na patakbuhin sa lungsod ang anim na bagong Electric Bus (E-Bus) na libre ang sakay na tatakbo sa QCity Bus Route 1, sa pagitan ng Quezon City Hall at Cubao.
Bawat bus ay may seating capacity na 41, kasama ang mga wheelchair ramp para sa accessibility ng mga persons with disability (PWDs).
Mayroon din itong limited standing capacity upang matiyak umano ang kaligtasan at pagiging magaan na biyahe para sa mga pasahero.
Ipinakalat na rin sa lungsod ang mga traffic enforcer mula sa Traffic and Transport Management Department (TTMD) upang mapadali ang maayos na operasyon.
Sa pagpupursige sa inisyatibang ito binigyaan diin ni Mayor Joy Belmonte na ang inisyatiba ay umaayon sa Republic Act No. 11697 o ang Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA Law), na naglalayong mapabuti ang kapaligiran at maiwasan ang polusyon mula sa mga tradisyunal na mga sasakyan.
Samantala, ang mga regular na QCity bus ay patuloy na magbibigay ng libreng sakay sa mga residente nito sa pamamagitan ng iba pang ruta: QC Hall hanggang Litex/IBP Road, Welcome Rotonda and Aurora Katipunan, QC Hall at General Luis; QC Hall at Mindanao Ave. hanggang Visayas Ave; QC Hall at Gilmore; QC Hall at C5/Ortigas Ave. Extension; at sa pagitan ng QC Hall at Muñoz.
Dagdag pa rito ay simula sa January 6 na ang loading at unloading area ng Route 4 sa Quezon City Hall hanggang General Luis vice versa tuwing 4:00 PM onwards ay muling ililipat sa Elliptical Road, tapat ng National Housing Authority (NHA).
Kasalukuyan rin na mananatili ang schedule at mga stop ng route 4.
Nakaantabay rin dito ang mga kawani mula sa TTMD upang masiguro ang maayos na pagpila, pagsakay, at pagbaba ng mga pasahero.