COMELEC, TARGET PAABUTIN SA 100K ANG BAGONG BOTANTE SA PANGASINAN

Pangasinan, Philippines- Layon ng Commision on Election (Comelec) sa Pangasinan na makapagpa-rehistro ang 75,000 hanggang 100,000 na botante nitong taon.

May 67,000 na mga botante na ang nakapagpa-rehistro simula nang inumpisahan ang proseso noong nakaraang February 12, ani Comelec-Pangasinan Supervisor Lawyer Marino Salas sa isang panayam kahapon.

Dagdag pa nito, magkakaroon ng off-site registrations sa mga piling malls, subdivisions at mga eskwelahan na magtatagal hanggang September 30, taong kasalukuyan.

Nabanggit din ni Salas na nag-uumpisa na silang mag-train ng kanilang mga magiging tauhan para sa eleksyon, para sa mas maayos at payapang proseso ng pag-boto.

READ: COMELEC REQUIRES 2025 CANDIDATES TO SUBMIT PHOTOS FOR CAMPAIGN MATERIAL

Sa kabilang banda, ayon naman kay Comelec-Ilocos regional assistant election officer lawyer Reddy Balarbar, ang paghahandang ito ay para maging bukas sa lahat ang serbisyo ng kanilang opisina.

“We give emphasis to the rights of the voters in this activity,” aniya.

Samantala, sinigurado naman ng student council president ng Pangasinan State University na si Joward Parungo Medina na maipapasa nya sa mga kapwa estudyante ang mga natutunan sa nasabing paghahanda.

“We will relay to the students in our campuses what we have learned here,” pahayag ni Joward Parungo Medina.

Dagdag pa niya ay nasa 1,000 student council leaders mula sa siyam na campus ng PSU ang umattend sa naturang event.

READ: COMELEC: OVER 4.2M VOTERS TO PULL OUT FROM THE LIST

READ: COMELEC PROPOSES RESTRICTION USING AI IN MIDTERM ELECTION 2025

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this