DE LIMA, INANUNSYO ANG ILANG DAGDAG NA ABOGADO SA HOUSE PROSECUTION TEAM VS IMPEACHMENT NI VP SARA

Manila, Philippines — Habang nalalapit ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga abogadong tutulong sa panig ng house prosecution panel. 

Ngayong Lunes, inanunsyo ni Mamamayang Liberal Partylist Representative at House Prosecution member atty. Leila De lima ang ilan sa mga kilalang abogado na kabilang sa prosecution team. 

Una sa listahan ang dating spokesperson ng Korte Suprema na si Atty. Theodore Te. 

Kasama sina Atty. Reynaldo Robles at Arnold Labay ng Chan Robles and associates law firm, Atty. Mae Divinagracia Ng Co Nazario Velasco-Catera at Divina Gracia Law Offices.

Ayon kay Leila, ang mga nadagdag na private lawyers ang magpapalakas pa sa panig ng house panel habang papalapit ang impeachment Trial. 

Binubuo ng mga kongresistang abogado at private lawyers ang house panel, na silang sasalang para sa paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.

Pahayag ni Robles, siya mismo ang nag volunteer na umanib sa house panel dahil sa bigat ng kaso. 

Aniya, lakas loob siyang sumali dahil hindi na dapat ipagsawalang bahala ang hindi katanggap tanggap na nangyayari sa lipunan. 

Bukod sa Dagdag na abogadong tutulong sa prosekusyon, inanunsyo rin ni De Lima na magiging isa sa mga spokesperson ng prosekusyon si dating Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barber. 

Nakatakdang magharap-harap ang bawat panig ng house panel at defense team ni Vice President Sara Duterte sa Senado bilang paglilitis sa mga kasong inuugnay sa kanya.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this