SAFE SCHOOL PROGRAM INILUNSAD SA MARIKINA CITY

Manila, Philippines — Inihayag ni Marikina City Mayor Maan Teodoro , na magpapakalat ang pamahalaang lungsod ng mas maraming pulis at mga tauhan ng Office of Public Safety and Security sa mga pampubliko at pribadong paaralan bilang bahagi ng pinaigting na kampanya para sa kaligtasan ng mga estudyante.

Kasabay nito, maglalagay rin ng mga metal detector sa mga paaralan upang maiwasan ang pagpasok ng mga ipinagbabawal na kagamitan at mapalakas ang seguridad sa loob ng mga campus.

Ayon kay Teodoro, isinagawa rin niya kamakailan ang inspeksiyon sa seguridad ng ilang malalaking pampublikong paaralan sa lungsod upang matukoy ang mga karagdagang hakbang na maaaring ipatupad.

Ang hakbang ay tugon sa mga naganap na mararahas na insidente sa ilang paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na nagdulot ng pangamba sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan.

Share this