QUEZON CITY, PHILIPPINES — Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa mga gumagamit sa pangalan ng ahensya para sa pandaraya at paghingi ng donasyon o pondo.
Ayon sa ahensya, nakatanggap sila na mga ulat ng mga nagpapanggap na konektado umano sa Office of Undersecretary for Operations.
Nilinaw ng DILG na hindi sila humihingi ng kahit anumang pera, donasyon, pabor, endorso, o pinansyal na tulong. Maging ang pagbibigay pahintulot sa sinumang indibidwal o grupo sa ngalan ng ahensya.
Nagpaalala rin ito sa publiko na manatiling maingat at beripikahin ang bawat transaksyon sa kanilang opisyal na communication channels.
Anito, ang hindi awtorisadong paggamit ng pangalan at pagsisinungaling ng pekeng koneksyon sa ahensya ng gobyerno ay may karampatang parusa sa ilalim ng batas. — Nicole Buena, Contributor