DIWA NG BAYANIHAN SA BRGY. CALUMPANG GENSAN MATAPOS ANG LINDOL, NAIPAKITA PA RIN SA RELIEF MISSION NG CC7 AT LARO77

General Santos City, Mindanao — Sa panahon ng sakuna, ang mga Pilipino sama-samang nagkakaisa para sa pagbabayanihan. 

Ito ang patuloy na pinatutunayan ng CC7 Helping the Community at Laro77 na agad nagsagawa ng relief mission sa General Santos City para sa mga naging biktima ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao.

Hatid ng grupo sa mga taga Purok Tambler Diamond, Barangay Calumpang, General Santos City ang libo-libong mga food pack at non-food items na pinagtulungang i-repack ng mga volunteers at residenteng tumulong.

Ang mga ito rin ang nagbuhat at nag ayos ng mga ipamimigay, kung saan nasa mahigit 3,000 pamilya at indibidwal na kapwa matatanda, bata at mga senior citizen ang nahatiran ng tulong.

Para sa CC7 at Laro77, nais nilang magsilbing salamin ng pag-asa at dahilan ng pagbangon ng mga taga Purok maging sa buong Mindanao, sa kabila ng pinagdadaanan nilang mabigat at mahirap na sitwasyon dulot ng malakas na lindol na yumanig sa kanila.

Ayon sa grupo, walang katumbas na halaga ang sayang nararamdaman nila nang makapunta sa GenSan at personal na makapaghatid ng tulong.

Sa kabila raw kase ng epekto ng lindol sa mga mamamayan ng GenSan, nananatili pa ring positibo ang mga ito sa buhay.

Bagama’t bakas sa mga ito ang puyat, pagod at pag-aalala, nakangiti at masaya pa rin silang sinalubong nga mga ito kasabay ng suportang ibinigay sa kanila sa pagpapaabot ng makakain, malinis na maiinom, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Share this