CC6 ONLINE CASINO AT FUNBINGO HATID AY PAGASA, SAYA AT TULONG SA MGA RESIDENTE NG BRGY. LAGAO GENSAN

Bakas pa rin ang iniwang pinsala ng magnitude 7.8 na lindol sa ilang bahagi ng General Santos City.

Mula sa mga bitak na pader, nabuwal na mga puno, at mga residenteng nanghihingi ng tulong.

Ilan lang ito sa mga dinatnang sitwasyon ng CC6 Online Casino at Funbingo sa General Santos City, malayo sa dati nitong itsura bago pa yanigin ng Magnitude 7.8 na lindol ang probinsya noong June 8.

Makalipas ang halos dalawang linggo mula ng lumindol sinisikap pa rin ngayong bumangon ng mga apektadong indibidwal at pamilya para magpatuloy sa buhay.

Kaya naman ang CC6 at Funbingo agad na nagkasa ng Bangon GenSan ‘Hatid Tulong para sa mga nasalanta ng Lindol’ na may layuning makapaghatid ng munting tulong ngunit may malaking pagasa pa rin na maibibigay.

Sa Purok 14, Hikban Subdivision, Barangay Lagao General Santos City nagbigay ng tulong, pagasa, at inspirasyon ang grupo sa mga residenteng naapektuhan.

Naniniwala ang CC6 at Funbingo na higit pa sa mga naibigay nilang ayuda ang natanggap ng mga residente roon kundi naipakita rin nila ang pagiging matatag, masayahin, at kahandaang bumangon ng mga Pilipino sa kabila ng mga hamon at pagsubok sa buhay.

Ika nga ng mga ito ”Lindol ka lang, Pilipino kami.”

Hindi naman maisasakatuparan ng grupo ang matagumpay na relief mission kung wala ang tulong ng mga volunteers, donors, sponsors, at partners nila na kanilang ipinagpapasalamat.

Samantala, naging bahagi rin ng pagpunta ng grupo ang panandaliang pagpapasaya sa mga taga Lagao kung saan nagbigay ng munting pagtatanghal ang Budots King ng Davao na si RK kent Music.

Share this