Manila, Philippines — Sa kauna unahang pagkakataon magsasagawa ang Filipino pop singer at season 26 winner ng the voice U.S na si Safronio Vasquez ng kanyang solo concert na magaganap darating na November na pinamagatang “SAFRONIO VASQUEZ LIVE IN CONCERT”.
Sa instagram post ng Polaris ipinasilip na nito Ang official poster para sa nalalapit na pagtatanghal ni Vasquez sa big stage.
Sa hiwalay na post ni Vasquez sinabi nito sa kanyang caption na Lubos Ang kanyang kasiyahan dahil matutuloy na umano Ang kanyang solo concert.
Dagdag pa nito Napakahalaga rin daw sa kanya Ang gabing iyon at hindi na nito makapaghintay na maibahagi Ito sa kanyang mga tagahangga.
Matatandaang unang Nakilala si safronio Vasquez ng sumali Ito sa tawag ng tanghalan, isang singing contest sa telebisyon kung Saan nakapasok Ito sa semi finals.
Noong taong 2024 itinanghal naman siya bilang kauna unahang Asian na nanalo sa The Voice U.S kung Saan kabilang din siya sa team ni Michael Buble.
Sa ngayon wala pang inilalabas na detalye kung magkano at Saan mabibili Ang ticket para sa kanyang concert.
Samantala magaganap naman Ang SAFRONIO VASQUEZ LIVE IN CONCERT” sa darating na November 17, 2026 sa Proscenium Theater sa makati.