Manila, Philippines — Tinatayang nasa 121, 185 na pamilyang Pilipino ang kasalukuyang apektado ng matinding init dulot ng El Niño, ayon sa pinakabagong situational report ng National Disaster Risk Reduction and Managment Council (NDRRMC).
Katumbas ito ng 451,889 na apektadong inidbidwal mula sa higit isang libong barangay sa buong bansa.
Sa kabuuan naman mayroon ng 109 na city at municipality ang nasa ilalim ng state of calamity.
Bagama’t sa mga ito, wala namang naitalang pagkamatay o sugatang inidibidwal dulot ng epekto ng El Niño sa kasalukuyan.
Gayunpaman, malaki naman ang epekto nito sa sektor ng agrikultura.
Ayon pa rin sa NDRRMC, umabot na sa higit 6.5 bilyong piso ang estimated cost of damage sa nasabing sektor dahil sa El Niño.
Tinatayang 35,000 naman ang halaga ng pagkasira para sa livestock, poultry, at fisheries.
Dito higit 200,000 nga ang apektadong mga magsasaka pati na rin mga mangingisda.
Ayon sa mga ulat, magtatagal ang El Niño hanggang first half ng 2027.