Manila, Philippines — Nasa mahigit 67,000 na aplikante ng Civil Service Commission (CSC) Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) nitong August 9 ang naapektado at hindi nakapagsulit dahil sa masamang panahon.
Ayon sa CSC, 59,558 dito ay para sa Professional Level at 7,697 naman para sa Subprofessional Level.
Ilan lamang sa mga lugar na na-postpone ay sa National Capital Region (NCR), ilang parte ng Region IV, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Ayon kay CSC Chairperson Marilyn B. Yap na ang postponement ay para matiyak ang kapakanan ng mga examinees dahil sa masamaang panahon.
”The safety and well-being of our stakeholders remain our foremost consideration,” ani Yap.
Hinikayat naman ng CSC chairperson na subaybayan ang opisyal na anunsyo sa CSC Facebook page sa kani-kanilang regional pages para sa susunod na petsa ng pagsusulit.
Samantala, nasa mahigit 240,000 aplikante naman ang nakapagsulit.
220,395 dito ay sa Professional Level habang 20,577 naman ay sa Subprofessional Level mula sa 83 testing centers.
Inaasahang ilalabas ang opisyal na listahan ng mga nakapasa sa CSE sa CSC website bago o sumapit ang October 12, 2026.—Poliana Canuday, Contributor