PCG, TINULUNGAN ANG SUGATANG TRIPULANTENG CHINESE SA EASTERN SAMAR

Pasado alas onse ng gabi nitong Huwebes, Agosto 13, 2026 kaagad na tumugon ang Philippine Coast Guard (PCG) matapos makatanggap ng emergency call mula sa isang Chinese ship na M/V YIN NIAN sa Homonhon Island, Guiuan, Eastern Samar.

Agad pumunta ang PCG matapos makatanggap ng ulat ukol sa sugatang crew members upang alamin ang kalagayan ng nasagutang crew member at makipag ugnayan sa kapitan ng barko.

Matapos rumesponde, ipinaalam naman ng kapitan ng PGC na mananatili muna sa loob ng barko ang sugatang tripulante upang mabantayan ng medical personnel ang kanyang kondisyon.

Matapos makumpleto ang operasyon nito nakatakdang bumiyahe MV/VIB NIAN patungong China karga ang kargamento.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Coast Guard Station Southeastern Samar sa kapitan at ship agent habang minomonitor ang sitwasyon hanggang sa ligtas na makalabas ang barko sa kanilang nasasakupang lugar.

Binigyang diin ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang kahalagahan ng mabilis na pag tugon ng mga coast guard personnel sa oras na kinakailangan ang kanilang tulong sa maritime incidents.

“Our personnel immediately proceeded to the vessel to verify the situation and coordinate directly with its master. They remained on standby should Coast Guard assistance become necessary, as part of our responsibility to ensure the safety of all mariners navigating within our waters,” ani Admiral Gavan.

Ayon sa PCG, nakaangkla ang mabilis na pagtugon ng coast guard sa direktiba ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr. sa pamamagitan ng kampanyang Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement (iCARE) at Organized National Engagement (ONE) na nagsusulong ng serbisyong mamamayan at kaligtasan sa karagatan.—Angel Monar, Contributor

Share this