ILANG BAHAGI NG METRO MANILA, NABALOT NG MAKAPAL NA HAZE

Manila, Philippines — Patuloy na nababalot ng makapal na haze ang ibang parte ng Metro Manila. Ito ay may kaugnayan sa patuloy na forest at land fires sa Kalimantan, Indonesia.

Ayon sa Environmental Management Bureau ng Department of Environmental and National Resources, kabilang sa mga nakakaranas ng pinaka-mataas na PM2.5 level ay ang National Capital Region.

Ito ay nangangahulugan na kapag mataas ang numero, mas marami ang pinong particles na nasa hangin na maaaring makapasok sa baga ng tao.

Ang mga lungsod na nakasailalim sa “Acutely Unhealthy” ay Quezon City (Ateneo), Parañaque, Manila, Las Piñas, Malabon, Mandaluyong, Filinvest Muntinlupa, at Parang, Marikina.

Samantala, ang lungsod naman ng Navotas at Pateros ay umabot sa “Very Unhealthy” na kalidad ng hangin.

Habang ang Makati ay naitala sa “Unhealthy for sensitive groups”

Patuloy naman ang pagbabantay ng ahensya sa kalidad ng hangin.

Dahil dito nagkansela ng mga pasok ang mga eskwelahan upang makasigurado na ligtas ang mga estudyante laban sa masamang hangin.

Samantala, pinayuhan naman ang lahat na limitahan ang mga outdoor activities at ugaliing magsuot ng face mask kung lalabas ng bahay.–Gab Paris, Contributor

Share this