Manila, Philippines — Aprubado na ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang kauna-unahang comercialized vaccine sa bansa laban sa African Swine Fever (ASF).
Ang AVAC ASF LIVE na mabibili na sa merkado ay live, attenuated, gene-deleted at freeze dried vaccine na dinevelop ng Vietnam Joint Stock Company na mabisang pangontra sa ASF virus na tumatama sa mga baboy at nakakapaekto sa mga hog raiser.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) bahagi ng pag-apruba ang pagpapalakas sa repopulation, disease surveillance, biosecurity, movement control at targeted restocking.
Masosolusyunan din daw ng nasabing bakuna ang limitadong supply ng baboy, at pagpapababa sa importation sa ibang bansa.
Batay sa datos ng DA, 76 sa 82 lalawigan sa bansa ang nakapagtala ng ASF outbreak na lubos nakaapekto sa industriya partikular sa mga backyard raiser.
Sa susunod na taon, P1-Billion na pondo ang hinihingi ng BAI sa DA para sa pagbabakuna na uunahin sa mga backyard pig farm.
Bukod sa AVAC isa pang bakuna na PROVAC mula naman South Korea ang pinag-aaralan ding aprubahan dito sa bansa bilang pangalawang opsyon ng mga hog raiser.
Samantala matatandaan na noong 2019 o mahigit pitong taon mula ngayon ng unang makapagtala ng ASF cases sa Pilipinas, kung saan nagdulot ito ng malaking pagbaba sa populasyon ng mga baboy.
Sa ngayon wala pang inilalabas ang Kagawaran ng Agrikultura kung kailan magiging available ang commercialized vaccine.