LATEST SINGLE NG INT’L SINGER NA SI QYMIRA NA ‘MARAMING SALAMAT’ ALAY NITO SA MGA PILIPINO

MANILA, PHILIPPINES – Kantang “Maraming Salamat” alay ng International Singer na si Qymira sa mga Pilipino.

Bahagi yan ng kanyang latest single under Vehnee Saturno na una niyang inilunsad dito sa Pilipinas.

“This song is my first song here in the Philippines to be released here and your country has always been a very very special country in my heart, even though im Chinese from Hongkong, I have Filipino heart,” saad ni Qymira sa isang press conference.

Kaya rin daw nabuo ang kantang ‘Maraming Salamat’ ay dahil lagi rin daw itong sinasabi ng mg Pilipinong kanilang natutulungan tuwing naglilibot sila ng One Gaia Foundation sa iba’t ibang bahagi ng bansa na lubos raw nyang hinahangaan.

The spirit of the Philippines touch me very very much, thats why i chose to write this song Maraming Salamat, actually devoted and dedicated to children in needs,” dagdag pa ni Qymira.

Photo Courtesy: Vehnee Saturno/Youtube

Ayon kay Qymira, hindi lang daw ito ang unang beses na gagawa sya ng kanta na para sa mga Pilipino.

Dahil handa daw syang makipag collab sa mga Filipino artist gaya na lang daw ni Bamboo at Lea Salonga.

Samantala bukod sa ‘Maraming Salamat’ una na rin nitong nailabas ang kanyang single na ‘Give it to me’ kasama ang Filipino Singer na si Kris Lawrence at Brazilian Rapper na si Duendy Primeiro na naging No.5 sa U.K Dance Chart.

Nag No. 1 din sa Brazil ang ilan pa nyang kanta na Perdao, Sun & Sea at Vem Comigo.

Nagtanghal din si Qymira sa kilalang Salvador Carnival kasama ang Brazilian Artist na si Edu Casanova.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this