LIBRENG TOLL FEE SA NLEX, HINDI NAPAPANAHON — PALASYO

Manila, Philippines — Perwisyo ang idinulot sa mga motorista at ilang mga pasahero na na-stranded sa North Luzon Expressway San Simon kahapon matapos ang walang galawang mga sasakyan dahil sa baha.

Kaya ang ilan inirekomendang ilibre ang toll fee sa Nlex.

Pero ang Palasyo, hindi pabor dito at sinabing bakit gagawing libre kung mas magdudulot pa ito ng sobrang traffic.

Ayon kay Palace Press Officer at Usec Claire Castro, sa halip na gawing libre mas mabuting huwag na lang muna itong daanan.

Bagama’t maganda raw ang adhikain ng rekomendasyon, baka mas magdulot pa ito ng sobrang pagsikip sa daloy ng mga sasakyan.

Kung may dapat din daw na mag-anunsyo na gawin itong free sa mga motorista manggaling daw dapat ito mismo sa pamunuan ng NLEX na silang responsable at nakakaalam sa sitwasyon.

Sa ngayon napag-usapan daw sa naganap na meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sitwasyon sa NLEX ngunit wala raw itong direktiba na patawan ng sanctions ang pamunuan.

Samantala hanggang sa ngayon nananatiling usad pagong pa rin ang kahabaan ng San Simon Interchange.

Share this