SENADO, GANAP NANG IMPEACHMENT COURT PARA SA KASO LABAN KAY VP SARA DUTERTE

Manila, Philippines — Ganap nang impeachment court ang Senado matapos itong mag-convene kahapon para sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Kasunod nito, inatasan ng impeachment court si Duterte na magsumite ng kanyang kasagutan sa loob ng sampung araw kaugnay ng mga articles of impeachment na inihain laban sa kanya.

Si Alan Peter Cayetano ang magsisilbing presiding officer ng impeachment court, habang ang mga senador naman ang tatayong mga hukom sa paglilitis.

Bukod sa pagsusumite ng sagot, inuutusan din ng korte ang Bise Presidente na humarap sa session hall ng Senado sa oras na maipadala ang opisyal na abiso, alinsunod sa Article 7 ng Rules of Procedure on Impeachment Trials.

Ang Sergeant-at-Arms ng Senado ang magsisilbi ng written summons kay Duterte kasama ang kopya ng impeachment articles.

Ayon kay Cayetano, maaari ring isumite ang mga pleading, motion, at iba pang dokumento sa pamamagitan ng electronic copy.

Samantala, nagpahayag na ang defense team ni Duterte na susunod sila sa kautusan ng impeachment court.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this