Manila, Philippines — Mula May 26 hanggang May 29 ang nakatakdang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama si First lady Lisa Araneta-Marcos sa Japan.
Ang kanilang nakatakdang pagbisita ay para summit nina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Takaichi Sanae, talakayin ang posibleng tahakin ng bilateral relation ng Pilipinas at Japan.
Ibinahagi ni Pangulong Marcos ang suportang naibigay ng Japan sa Pilipinas sa paghahanap ng supply ng langis dulot ng gulo sa Middle East.
Ayon sa pangulo, susubukan muli ng pamahalaan ng Pilipinas na makipag-ugnayan sa supply ng enerhiya, nabanggit niya ang mas aktibong gampanin ng Japan sa kasalukuyan pagdating sa usaping enerhiya.
Inihayag ni Ferdinand Marcos Jr. na nag-alok ang Japan ng mekanismo upang magbigay ng hanggang 10 billion USD na ayuda para sa energy security ng mga bansa sa Asya.
Ayon sa Pangulo, ipatutupad ito sa ilalim ng Partnership on Wide Energy and Resources Resilience o POWER Asia, na inilunsad noong Abril.
Layunin ng programa na tulungan ang mga bansang Asyano na masiguro ang suplay ng crude oil, mapalawak ang pinagkukunan ng critical minerals, at makabuo ng sustainable at zero-emission supply chains.—Krizza Lopez, Eurotv News