Manila, Philippines — Epektibo simula ngayong araw ang libreng toll para sa mga sasakyan na manggagaling sa Pulilan, Bulacan hanggang San Fernando, Pampanga at vice versa.
Pansamantalang inilibre ng NLEX Corporation ang singil sa toll fee para sa lahat ng uri ng sasakyan na daraan sa rutang San Fernando hanggang Pulilan, at Pulilan pabalik ng San Fernando simula ngayong araw, September 2, 2026.
Ayon sa pahayag ng Department of Transportation o DOTr, personal na nakipag-ugnayan si DOTr Secretary Banoy Lopez kay NLEX Corporation President Luis Reñon upang pormal na maitawag at maipatupad ang libreng pasada.
Ang hakbang na ito ay direktang tugon ng pamahalaan at ng pamunuan ng NLEX sa panawagang “toll holiday” ng mga biyaherong labis na naaapektuhan at naiipit sa matinding buhul-buhol na trapiko sa bahagi ng San Simon, Pampanga.
Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi pa rin fully passable o mahirap pa ring daanan ang nasabing lugar dahil sa mataas na antas ng baha na parin humuhups matapos ang sunod-sunod na pag-ulan.– Rhea Trucio, Eurotv News