Manila, Philippines — Lock out, lock down, evacuation at unification.
Ito ang apat na hakbang na dapat sundin ng mga paaralan sa mga hindi inaasahang active threat scenario na maaaring maganap sa loob ng eskwelahan.
Bahagi ito ng disaster management framework alinsunod sa isinagawang National Simultaneous School Safety Drill ng Department of Education (DepEd) na pinakalayuning ihanda ang lahat ng mga guro, mag-aaral at mga non-teaching personnel tuwing may banta sa kaligtasan.
Maging ang pamantayang inirekomenda ng mga health professionals na child centered at trauma informed sa ilalim ng Do No Harm, ipinatupad din ng Kagawaran.
Binigyang diin naman ni Education Secretary Sonny Angara na hindi pananakot ang isinagawang school safety drill kundi paalalang dapat na maging handa sa mga hindi inaasahang inisdente habang pinananatiling ligtas ang lahat sa loob ng paaralan.
Bilang nanuna nang rin daw na nagsagawa ng konsultasyon ang DepEd sa mga health expert, tiniyak nilang walang marahas na simulation na naganap at sa halip protective action lang sa loob ng mga silid aralan, pagresponde ng mga uniformed personnel at re-enactment ng pagresponde ng medical team.
Bahagi rin ng drill ang pagpapatupad ng Psychological First Aid pagtapos ng insidente habang paiiralin naman ang 4H o Hinto, Hinga, Hinay at Hayo Framework ng DepEd, depende sa sitwasyon ng isang paaralan.
Samantala bukos sa DepEd nakiisa rin sa aktibidad ang Philippine National Police (PNP) at iba pang kinauukulang ahensta para magbigay ng pag-alalay.
Kasabay naman nito, mahogpit na ipinag-utos ng Kagawaran ng Edukasyon sa lahat ng mga paaralan ang paglalagay ng mga bakod, locking at barricading sa mga silid aralan maging ang iisang entrance ng mga bisita.
Hinimok naman ni Remulla ang publiko na tumawag sa emergency Hotline 911 para sa anumang uri ng insidente na nangangailangan ng agarang pagsaklolo gaya ng mga active threat sa paaralan.