Shiga Prefecture, Japan — Sa ginanagap 2023-2024 Japan B. League Division 2 championship ay inanunsyo ng koponan na Shiga Lakes na nagpaalam na ito sa lima nilang manlalaro.
Isa na rito ang Filipino pride na si Keifer Ravena matapos nilang mapag-usapan na hindi na alukin ng contract extension ang manlalaro.
Kasama nyang magpapaalam sa Shiga Lakes ay sina Ryan Kriener, Rin Yamazaki, Teppei Kashiwagura, at Josei Maniwa.
READ: KIEFER, SHIGA LAKES STEPS TO THE B1 LEAUGE; THIRDY, SAN-EN, ENDS THEIR B1 SPOT
Sa post ni Keifer sa kanyang instagram account, nagpahayag ito ng pasasalamat sa kanyang team. Nagpasalamat rin ito sa Shiga Lakes sa pagtanggap sa kanya.
Ipinahayag rin nito ang kanyang pagmamahal sa kanyang teammates. Marami na umano ang mga itong pinagdaanan.
Pahabol pa na Kiefer na sa kanyang buong career sa basketball ay pinagpala ito upang makasama ang mga propsesyunal na manlalaro sa court.
Sa katatapos lamang na season ng Japan B. League nasungkit ng Shiga Lakes ang kampeonato, kung saan nagsilbing malaking impact ang naging laro ni Ravena.