Binawi ng presidente ng Kenya na si President William Ruto ang plano sanang pagtataas ng ng Tax noong Miyerkules dahil sa patuloy na pagpoprotesta ng mga mamamayan ng Kenya.
Ang nasabing kilos protesta ay pinangunahan ng mga kabataan at mga matatanda na inabot ng isang linggo.
Umabot naman sa 23 ang mga namatay at marami naman ang sugatan dahil sa nangyaring banggaan ng mga protestante at pulis noong Martes.
Panawagan naman ni Vice president Rigathi Gachagua sa mga kabataan na itigil na ang pagpoprotesta para maiwasan na madagdagan ang mga nasaktan at mga masisirang ari-arian.
Samantala, ayon naman sa isang post sa social media platform na X ng social justice activist na si Boniface Mwangi nawala nga raw ang pagmamalaki ngunit nandoon pa rin ang kasinungalingan.
“The arrogance is gone, but the lies are still there,” anito. “Yesterday they unleashed goons and police to kill peaceful protesters. That will not stop us.” Saad pa nya.
Dagdag pa rito ang post din sa X ni Kalonzo Musyoka, isang senior opposition leader at dating vice president ng Kenya, na ang pagkansela raw sa bill ay hindi sapat dahil sa dami ng namatay at nagdusa hindi na raw ito tungkol na lamang sa Finance Bill 2024 kaya’t nararapat daw na bumitaw na si Ruto sa posisyon.
“Many Kenyans died. Many Kenyans suffered serious injuries. It is currently beyond the Finance Bill, 2024,” ani Kalonzo Musyoka.
Ang panukalang batas naman ay ibabalik sa Parliament na may rekomendasyong ang lahat ng clause nito ay aalisin, ito ay ipinadala ni ruto kaloob sa isang dokumento na iaaddress sa speaker ng national Assembly.