PALASYO SA BANTANG ASSASSINATION KAY PBBM: ‘TRABAHO NG NBI NA IMBESTIGAHAN ANG BANTA SA PANGULO’ 

Manila, Philippines — Nang humarap si Ramil Madriaga sa House Committee on Justice para maging witness sa impeachment proceeding laban kay Vice President Sara Duterte. 

Isiniwalat niya ang planong pagpapaltasik ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Pangulong Marcos Jr. o kung hindi man umano magtagumpay ay nagplanong ipa-assassinate ang pangulo.

Ayon kay Madriaga, ito raw para pumalit si Vice President Sara Duterte sa pagkapresidente at mapagpatuloy ang pamumuno ng mga Duterte. 

Ayon kay Palace Press Officer at Undersecretary Claire Castro, walang personal na kaalaman ang malacanang o maging si Pangulong Marcos sa naging pag-uusap ni Madriaga at ng dating pangulo.

Hindi na bago ang pagbabanta sa buhay ng Pangulo na inumpisahan ni Vice President Duterte at ngayon naman ay si Mayor Baste. 

Ngunit ayon kay Atty. Castro, wala sa kanilang mandato na imbestigahan ang mga pagbabanta sa buhay ng isang tao. 

Nananawagan ang opisyal sa National Bureau of Investigasyon na sila ang may responsibilidad na imbestigahan ito. 

Sa kabila ng mga banta sa buhay niya, nanindigan ang palasyo na tatapusin ni Pangulong Marcos hanggang 2028.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this