SANDIGANBAYAN, HINDI PINAHINTULUTAN SI ROMUALDEZ NA LUMABAS NG BANSA 

Manila, Philippines — Hindi maaaring lumabas ng Pilipinas si dating House Speaker at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez para magtungo sa Singapore. 

Nag-isyu noong Miyerkules ang Sandigabayan ng hold departure order laban kay  Romualdez, kasunod ng petition ng Office of the Ombudsman. 

Bagamat wala pang kaso ang nakahain laban kay Romualdez sa Sandiganbayan, ibinase ng Ombudsman ang kanilang petisyon sa complaint-affidavit na inihain ng Special Panel of Investigator sa Preliminary Investigation, Administrative Adjudication and Monitoring Office. 

Nakasaad sa complaint-affidavit ang umano’y pagtanggap ng kickback sa flood control projects. 

Pinaparatangan si Romualdez na siyang mastermind sa sabwatan pagtanggap ng kickback, na umabot sa P56 billion. 

Nabanggit pa sa aplikasyon ng Ombudsman ang mga naging pahayag ni Zaldy Co sa mga videos nito, gayundin ang pahayag ni Orly Guteza. 

Noong nakaraang araw, pinasinungalingan ni Romualdez ang mga binebentang sa kanya. 

Pinabulaanan ang paratang na siyang mastermind maging ang pagtanggap niyang mga kickback. 

Iginiit niya na personal siyang humarap sa Independent Commission for Infrastructure para sagutin ang mga katanungan at ibinigay ang mga dokumento. 

Binigyang diin niya na walang ebidensyang makapagpapatunay na sangkot siya sa pagnanakaw ng pondo. 

Bago hindi payagan ng Sandiganbayan na lumabas ng Pilipinas si Romualdez, pinahintulutan ni House Speaker Bojie Dy sa makapagpagamot sa Singapore, sa pangakong babalik siya ng Pilipinas sa lalong madaling panahon.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this