Subic, Zambales – Isinusulong ng ATIN ITO Coalition kasama ng mga mangingisdang pilipino ang pagdeklara sa darating na July 12 bilang National West Philippine Sea Victory Day.
Ipinagdiwang ng ATIN ITO Coalition kasama ng ibang mga mangingisda, sa zambales ang ika-sampung anibersaryo ng 2016 Arbitral Ruling nitong sabado, July 5, 2026 gamit ang makulay na bangkang pangisda na sumisimbolo sa watawat ng pilipinas na nilahukan ng higit 250 mangingisda sa zambales sa isang symbolic sea action.
Kasabay ng kanilang pagdiriwang ay hinihinging pagkondena sa darating na July 12 bilang national west philippine sea victory day.
Nanawagan din si ATIN ITO co-convenor Rafaela David sa pangulo, na mag issue ng Executive Order upang ideklara ang July 12 bilang National West Philippine Sea Victory Day ito ay bilang pagkilala sa mga mangingisdang pilipino na patuloy na nakikipaglaban sa West Philippine Sea.
“July 12 is more than a date in our history. It is a reminder that truths date in our history. It is a reminder that truth, International law, and the courage of the Filipino people prevailed.” ayon kay David.
Sa darating na July 12, muling makikisama ang ATIN ITO coalition upang dumalo sa gaganaping West Philippine Sea Parade sa Puerto Princesa, Palawan. – Rhylien Dela Cruz, EUROTV News