Manila, Philippines — Ito na ang ikalawang buwan na bumilis ang antas ng inflation rate sa bansa mula nang magsimula ang gulo sa Gitnang silangan.
Batay sa report ng Philippine Statistics Authority, pumitik sa sa 7.2% ang antas ng inflation noong buwan ng april.
Mas bumilis pa ito sa 4.1% noong Marso at higit na mas mabilis noong april 2025 na 1.4%.
Ayon kay PSA National Statistician and Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa, mataas na presyo ng pagkain at hindi nakalalasing na inumin ang pangunahing dahilan ng mabilis na paggalaw ng implasyon.
Partikular na nakapag-ambag ang mataas na presyo ng bigas, isda, partikular ang mahal na presyo ng galunggong, at karne ng baboy.
Sumunod ang presyo ng transport, partikular ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng Gasolina at Diesel.
Dahil pagsirit sa presyo ng mga petrolyo, isa ang pagtaas sa pamasahe sa tricycle ang dahilan ng pagbilis ng implasyon sa transport.
Bagamat ang pagtaas sa presyo ng petrolyo ang pinaka-inaasahang dahilan ng pagbilis ng inflation rate.
Paliwanag ni USEC. Mapa, mabigat ang kontribusyon ng bigas sa commodity group, kung saan nagkaroon ng 13.7% na inflation rate ang bigas.
Ikatlong dahilan ng pagbilis ng implasyon ang Housing, bayad sa tubig, kuryente, gas, and other fuels, partikular dito ang presyo ng LPG, at renta sa bahay.
Base pa rin sa datos ng PSA, ang 7.2% noong April 2026 ay pinakamataas na mula pa noong March 2023 na pumalo sa 7.6%.
Samantala, pahayag ni Economic Secretary Arsenio Balisacan, nananatiling nakatuon ang pamahalaan sa pagtugon sa epekto ng gulo sa Middle East.
Binigyang diin niya ang kahalagahan ng Unified Package of Livelihood, Industry, Food And Transport.
Ngayong araw ng Martes, May 5 nagkaroon ng pagpupulong ang UPLIFT team.
Dito nagbaba ang pangulo ng direktiba kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-laurel na sikaping mapababa ang presyo ng bigas.